EMISYON
mainam ba ang kapak na lamang tiyan ay bulak
kaysa nakapaloob sa kanyang tiyan ay burak
ah, mabuti pang ang sawing puso'y di nagnanaknak
kung magdugo'y may mabuting lunas na ipapasak
kakamot-kamot ng ulo dahil di matingkala
ang laksang suliranin ng bayang di maunawa
bakit ba may iilang sa yaman nagpapasasa
at milyong dukha'y di man lang dumanas ng ginhawa
itong pagbabago ng klima'y bakit anong bilis
tumataas ang tubig-dagat, yelo'y numinipis
malulunasan pa ba ito't ating matitistis
upang susulpot pang salinlahi'y di na magtiis
mapipigilan pa ba ang laksa-laksang emisyon
na bundok, lungsod, bayan at dagat ay nilalamon
suriin ang kalagayan ng mundo sa maghapon
at baka may mapanukala tayong lunas ngayon
- gregbituinjr.
Mga tinipong tula at sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr., hinggil sa mga karanasan sa Climate Walk from Luneta to Tacloban 2014, paghahanda para sa Climate Pilgrimage from Rome to Paris 2015 tungo sa COP 21, at pagkilos hinggil sa panawagang climate emergency sa kasalukuyan.
Martes, Hulyo 30, 2019
Linggo, Hulyo 14, 2019
Paghandaan ang pagtaas ng sukat ng dagat sa 2030
PAGHANDAAN ANG PAGTAAS NG SUKAT NG DAGAT SA 2030
kaming mga aktibistang Spartan
ay naghahanap din ng katarungan
di lang nagpapalaki ng katawan
o laging naghahanda sa digmaan
kami'y nagsusuri din sa lipunan
at iniisip ang wastong katwiran
kami'y di lamang mga mandirigma
handa rin sa paparating na sigwa
sa nagbabagong klima'y naghahanda
sa kalamidad at mapipinsala
sukat ng dagat tataas, babaha
ang klimang nagbabago'y nagbabanta
pag-isipan ang pagtaas ng dagat
upang sa madla ito'y isiwalat
paano kung ilang piye'y iangat
at mga isla'y lumubog ngang sukat
paghandaan ito't magtulungan ang lahat
bago pa tayo lamunin ng dagat
- gregbituinjr.
kaming mga aktibistang Spartan
ay naghahanap din ng katarungan
di lang nagpapalaki ng katawan
o laging naghahanda sa digmaan
kami'y nagsusuri din sa lipunan
at iniisip ang wastong katwiran
kami'y di lamang mga mandirigma
handa rin sa paparating na sigwa
sa nagbabagong klima'y naghahanda
sa kalamidad at mapipinsala
sukat ng dagat tataas, babaha
ang klimang nagbabago'y nagbabanta
pag-isipan ang pagtaas ng dagat
upang sa madla ito'y isiwalat
paano kung ilang piye'y iangat
at mga isla'y lumubog ngang sukat
paghandaan ito't magtulungan ang lahat
bago pa tayo lamunin ng dagat
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)