Huwebes, Nobyembre 9, 2023

Muling nilay matapos ang lakad

MULING NILAY MATAPOS ANG LAKAD

naroon lang daw ako sa loob ng tula
na nakapiit sa saknong, sukat at tugma
ako ba'y laya na pag binasa ng madla
o sa kawalan pa rin ay nakatulala

ngunit naglakad kami mula kalunsuran
mula Maynila hanggang pusod ng Tacloban
at itinula ang mga nadaraanan
itinudla ang mga isyu't panawagan

nailarawan ba ang sangkaterbang luha
ng nangalunod at nakaligtas sa sigwa
dahil sa ngitngit ni Yolandang rumagasa
tula nga ba'y tulay tungo sa pag-unawa

ah, nakapanginginig ng mga kalamnan
ang samutsaring kwento't mga karanasan
masisingil pa ba ang bansang mayayaman
na sa nagbabagong klima'y may kagagawan

- gregoriovbituinjr.
Tacloban City, 11.09.2023

* Climate Walk 2023

Martes, Nobyembre 7, 2023

Pahinga muna, aking talampakan

PAHINGA MUNA, AKING TALAMPAKAN

pahinga muna, aking talampakan
at narating na natin ang Tacloban
nagpaltos man sa lakad na sambuwan
ay nagpatuloy pa rin sa lakaran

tuwing gabi lang tayo nagpahinga
lakad muli pagdating ng umaga
na kasama ang ibang mga paa
sa Climate Walkers, salamat talaga

- gregoriovbituinjr.
Tacloban City, 11.07.2023

* Climate Walk 2023

Linggo, Nobyembre 5, 2023

Mahalaga'y naririto pa tayo

MAHALAGA'Y NARIRITO PA TAYO

mahalaga'y naririto pa tayo
patuloy ang lakad kahit malayo
tahakin man ay kilo-kilometro
ngunit isa man ay di sumusuko

nagkapaltos man yaring mga paa
nagkalintog man yaring talampakan
nagkalipak man, mayroong pag-asa
tayong natatanaw sa bawat hakbang

ilang araw pa't ating mararating
ang pusod ng Tacloban, nang matatag
ang tuhod, paa, diwa't puso natin
na naglalakad nang buong pagliyag

- gregoriovbituinjr.
kinatha ng umaga ng 11.05.2023
Calbiga, Samar

* Climate Walk 2023

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

Tugon sa pagbigkas sa aking tula

TUGON SA PAGBIGKAS NG AKING TULA

maraming salamat, mga kaPAAtid
sa inyong pagbigkas ng tulang nalikha
upang sa marami'y ating ipabatid
isyung ito'y dapat pag-usapang sadya

huwag nang umabot sa one point five degrees
ang pag-iinit pa nitong ating mundo
kaya panawagan nating Climate Justice
nawa'y maunawa ng masa't gobyerno

mahaba-haba pa yaring lalandasin
maiaalay ko'y tapik sa balikat
ang binigkas ninyo'y tagos sa damdamin
tanging masasabi'y salamat, Salamat!

- gregoriovbituinjr.
11.02.2023

* ang pinagbatayang tula ay kinatha noong Oktubre 11, 2023 na may pamagat na "Pagninilay sa Climate Walk 2023"; binigkas isa-isa ng mga kaPAAtid sa Climate Walk ang bawat taludtod ng tula

* ang bidyo ng pagbigkas ng tula ay nasa pahina ng Greenpeace Southeast Asia, at makikita sa kawing na:https://fb.watch/omJl961Sel/

Martes, Oktubre 17, 2023

Pag sabay daw umaaraw at umuulan

PAG SABAY DAW UMAARAW AT UMUULAN

pag sabay daw umaaraw at umuulan
sabi nila'y may kinakasal na tikbalang
marahil ay ibang paniniwala iyan
ang totoo, climate change na'y nararanasan

halina't dinggin ang awit ng Rivermaya
"Umaaraw, Umuulan" ang kinakanta
"Ang buhay ay sadyang ganyan," sabi pa nila
datapwat di sadyang ganyan, may climate change na

patuloy na ang pagbabago ng panahon
nang magsunog na ng fossil fuel at karbon
paggamit nito'y dapat nang wakasan ngayon
na ating panawagan sa maraming nasyon

sabihin mang may tikbalang na kinakasal
aaraw, biglang uulan, di na natural
gawa ng tao ang climate change na umiral
na dapat lutasing isyung internasyunal

- gregoriovbituinjr.
10.17.2023

* Climate Justice Walk 2023
* sinulat ng madaling araw sa Gumaca, Quezon, 
* litratong kuha ng makatang gala bago magsimula ang lakad

Lunes, Oktubre 16, 2023

Ang adhika ng Climate Walk

ANG ADHIKA NG CLIMATE WALK

bakit ba namin ginagawa ang Climate Walk
bakit ba raw di na lang idaan sa TikTok
aming aspirasyon ay di agad maarok
mula Maynila hanggang Tacloban ang rurok
sa isang dekada ng mga nangalugmok
sa bagyong Yolanda, kaya nagka-Climate Walk

nais naming makibahagi sa paglutas
ng krisis sa klima kaya ito'y nilandas
na kung sa ngayon, ang umaga'y nagniningas
saka biglang ambon, uulan ng malakas
ang timpla ng daigdig ay di na parehas
ang climate emergency na'y dapat malutas

dinadaanan nami'y mga bayan-bayan
at sa mga tao'y nakipagtalakayan
nang climate emergency ay mapag-usapan
mga dahilan ng krisis ay mapigilan
pagsunog ng fossil fuel at coal, wakasan
Climate Walk, aming misyon at paninindigan

- gregoriovbituinjr. 
10.16.2023

* Climate Justice Walk 2023
* sinulat ng madaling araw sa tinulugang kumbento ng mga pari sa Lopez, Quezon

Linggo, Oktubre 15, 2023

Jollibee Lopez

JOLLIBEE LOPEZ

nadaanan lang ang patalastas na iyon
na kaagad naman naming ikinatuwa
habang kami'y naglalakad buong maghapon
ay napatigil doong tila natulala

may makakasalubong ba kaming artista?
kamag-anak marahil ni Jennifer Lopez
na sikat sa pag-awit at sa pelikula
sapagkat ang nakasulat: Jollibee Lopez

sa Lopez, Quezon ay dumaraan na kami
na naglalakad sa misyong Climate Justice Walk
ngalan ng baya'y apelyido ni Jollibee
bubungad sa bayan kung saan ka papasok

may Jollibee Sariaya, Jollibee Lucban,
Jollibee Gumaca, ngayon, Jollibee Lopez
salamat sa kanya, pagod nami'y naibsan
sa kilo-kilometrong lakad na mabilis

- gregoriovbituinjr.
10.15.2023

* Climate Justice Walk from Manila to Tacloban

Sabado, Oktubre 14, 2023

Tuloy ang laban! Tuloy ang lakad!

TULOY ANG LABAN! TULOY ANG LAKAD!

"Tuloy ang laban! Tuloy ang lakad!"
ito sa kanila'y aking bungad
nang climate emergency'y ilahad
saanmang lugar tayo mapadpad

wala sa layo ng lalakarin
kahit kilo-kilometro man din
sa bawat araw ang lalandasin
mahalaga, tayo'y makarating

tagaktak man ang pawis sa noo
magkalintog man o magkakalyo
dama mang kumakalas ang buto
may pahinga naman sa totoo

ngunit lakad ay nagpapatuloy
dahon kaming di basta maluoy
sanga ring di kukuya-kuyakoy
kami'y sintatag ng punongkahoy

- gregoriovbituinjr.
10.14.2023

* kuha sa Lucena City ni A. Lozada

Pahinga muna

PAHINGA MUNA

ah, kailangan ding magpahinga
matapos ang mahabang lakaran
upang katawa'y makabawi pa
lalo na yaring puso't isipan

nagpapahinga ang pusa't tao
o sinupamang bihis at hubad
matulog at magpalakas tayo
upang muli'y handa sa paglakad

habang may diwatang dumadalaw
sa guwang ng ating panaginip
animo kandila'y sumasayaw
habang may pag-asang nasisilip

kilo-kilometro man ang layo
ay aabutin ang adhikain
kaharapin ma'y dusa't siphayo
asam na tagumpay ay kakamtin

mahalaga tayo'y nalulugod
sa ating layon at ginagawa
aba'y di laging sugod ng sugod
kalusuga'y alagaang sadya

- gregoriovbituinjr.
10.14.2023

* Climate Justice Walk 2023
* kuha sa Atimonan, Quezon

Huwebes, Oktubre 12, 2023

Sa tulay ng Patay na Tubig

SA TULAY NG PATAY NA TUBIG

sandali kaming nagpahinga
sa Tulay ng Patay na Tubig
ano kayang kwento ng sapa
o ilog ba'y kaibig-ibig

bakit Patay na Tubig iyon
at anong natatagong lihim
naroong magdadapithapon
maya'y kakagat na ang dilim

ah, kwento'y sasaliksikin ko
bakit ba patay na ang ilog
nang lihim nito'y maikwento
bago pa araw ay lumubog

palagay ko'y matatagalan
ang balak kong pananaliksik
ngayo'y walang mapagtanungan
ngunit hahanapin ang salik

- gregoriovbituinjr.
10.12.2023

* Climate Justice Walk 2023
* habang dumadaan sa San Pablo City sa Laguna patungong Pagbilao, Quezon
* Pasasalamat sa litratong ito na kuha ni Albert Lozada, na kasama rin sa Climate Justice Walk 2023

Miyerkules, Oktubre 11, 2023

Pagninilay sa Climate Walk 2023

PAGNINILAY SA CLIMATE WALK

O, kaylamig ng amihan sa kinaroroonan
habang nagninilay dito't nagpapahinga naman
tila ba kami'y kawan ng ibon sa himpapawid
na mga bundok at karagatan ang tinatawid

magkakasama sa dakilang misyon na Climate Walk
na climate emergency ang isa sa aming tutok
na climate justice sa bayan ay itinataguyod
mapagod man, naglalakad kami ng buong lugod

pagsama sa Climate Walk ay malaking karangalan
kaunti man ang lumahok sa mahabang lakaran
mahalaga'y maipahayag ang aming layunin
na climate emergency ay harapin na't lutasin

ipabatid ano ang adaptation, mitigation
ano ang climate fund, bakit may climate reparation
paano maghanda ang mga bansang bulnerable
Climate Justice Walk, ang pangalan pa lang ay mensahe

- gregoriovbituinjr.
10.11.2023

* kinatha sa UP Los BaƱos
* Climate Walk 2023

Linggo, Oktubre 8, 2023

My passion

MY PASSION

walking the talk is my passion
being healthy is my reason
climate justice is a mission
for the future of this nation

- gregoriovbituinjr.
10.08.2023

* picture with my wife at the Bonifacio Shrine near Manila City Hall before joining the Manila to Tacloban Climate Justice Walk 2023

Martes, Mayo 2, 2023

Panawagan ng PMCJ sa Mayo Uno

PANAWAGAN NG PMCJ SA MAYO UNO

panawagan ng Philippine Movement for Climate Justice
sa manggagawa sa pagdiriwang ng Mayo Uno
Just Transition ay panguhanan nila't bigyang hugis
ang sistemang makakalikasan at makatao

imbes magpatuloy pa sa fossil fuel, coal, dirty
energy ay magtransisyon o lumipat ang bansa
o magpalit na patungong renewable energy
para sa kinabukasan, O, uring manggagawa!

kayo ang lumikha ng kaunlaran sa daigdig
di lang ng kapitalistang nasa isip ay tubo
saklolohan ang mundong anong lakas na ng pintig
upang mundo sa matinding init ay di maluto

payak na panawagan ngunit napakahalaga
sa kinabukasan ng mundo at ng bawat isa

- gregoriovbituinjr.
05.02.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa Mendiola, Mayo Uno 2023

Sabado, Abril 22, 2023

Polyeto para sa Earth Day 2023

(Binigyan natin ng espasyo sa ating blog ang isinulat na ito ng Philippine Movement for Climate Justice o PMCJ upang mas marami pa ang makabasa at makaunawa sa napakahalagang isyu na ito, lalo na sa panawagang Climate Emergency. Maraming salamat po sa pagbabasa. - Greg Bituin Jr.)

POLYETO PARA SA EARTH DAY 2023
IPAGLABAN ANG ISANG PLANETANG NAGKAKALINGA NG BUHAY!
IDEKLARA ANG CLIMATE EMERGENCY!

Mula 1965 hanggang 2021 - mahigit na isang milyong (1,304,844) toneladang carbon dioxide o CO2 - tipo ng greenhouse gas na binubuga mula sa pagsusunog ng fossil fuel gaya ng Coal, LNG / Fossil Gas at Oil, naiipon at nakonsentra sa atmospera na siyang dahilan ng pag-iinit ng planeta, mula sa produksyon ng elektrisidad, pagpapatakbo ng mga industriya at transportasyon sa buong mundo.

Sa loob naman ng panahong ito ay nakapagbuga ang sektor ng enerhiya sa Pilipinas ng 3,275 milyong tonelada ng CO2. Ang pandaigdigang pagbubuga ng CO2 sa enerhiya ay patuloy ang pagtaas ng 5.9% kada taon batay sa datos sa taong 2022.

Patuloy ang pagtaas ng kontribusyon ng bansa sa pagbuga ng carbon dioxide. Sa katunayan, ang tantos ng Pilipinas ay umaabot sa 7.8% kada taon ang pagtaas. Katumbas nito ang kwadrilyong tonelada ng CO2 at hindi maitatangging nakapag-ambag nang malaki sa pagbabago sa klima at ngayon ay banta sa sangkatauhan at lahat ng mga nabubuhay sa planeta.

Noong 2018, idineklara ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), isang United Nations body na nag-aaral ng physical science, na ang mundo ay nasa yugto ng climate emergency. Dito sa Pilipinas, wala nang pagdududa ang epekto ng pagbabago ng klima sa anyo nang mas madalas at ibayong paglakas ng mga bagyo, pagbaha at tagtuyot. Halimbawa, ang supertyphoon Yolanda na kumitil sa buhay ng 6,300 katao at hanggang ngayon ay may 3,000 katao pa ang hindi nakikita. Matindi ang mga tagtuyot na ating naranasan na nagresulta ng food riot at masaker sa Kidapawan. Ang pagtaas ng dagat o sea level rise (SLR) na umaapekto na ngayon sa mga baybayin ng Pilipinas. Tinatantya na aabot ng 76 milyong mamamayan ang maaapektuhan ng sea level rise sa taong 2030. Ito ang ilan sa mga patunay na papatindi ng papatindi ang mapangwasak na epekto ng krisis sa klima.

Sinabi ni Antonio Guterres, Secretary General ng United Nations, na limitado na lang ang ating panahon para hanapan ng solusyon ang krisis sa klima. Kung hindi, ang haharapin na natin ay climate catastrophe.

Ayon sa IPCC, kung magagawa lamang na mapababa ang pagbuga ng mga greenhouse gases sa taong 2025, matitiyak nito na malilimita ang pag-init ng mundo sa 1.5 degrees Celsius. Ang pag-abot sa target na 1.5 degrees Celsius na siyang magseseguro sa paglilimita sa climate change sa hinaharap ay mangangailangan ng 'kagyat na pagkilos' upang malimitahan ang gas emissions.

Ngunit ang patuloy na business-as-usual na pagharap sa pagbabago ng klima ay tiyak na magdudulot ng malawakang pagwasak ng kalikasan sa buong mundo at lalong titindi ang pag-init ng daigdig. Mas ligtas tayo kung hindi na natin hihintayin pa ang deadline sa taong 2025. Kung mas maagap at mabilis tayong kikilos ay magiging mataas ang posibilidad na matigil ang pagtaas ng temperatura ng daigdig lampas ng 1.5 degrees Celsius.

Subalit sa kasamaang-palad, ang Philippine Energy Plan na isinusulong ng gobyerno ay mas lalo pang magsasadlak sa Pilipinas sa pagdepende sa mga fossil fuels. Ito ay malinaw na paglabag mula sa IPCC AR 6 na nagsasaad na huwag nang palawakin pa ang paggamit ng fossil fuels mula taong 2023. Pero sa plano ng gobyerno na ipagpatuloy ang business-as-usual na paggamit ng fossil fuel ay lalong itinutulak nito ang maraming bilang ng Pilipino papunta sa kamatayan.

Panahon nang itigil ang pagsasawalang-kibo at walang pakialam sa maling landas na tinatahak ng gobyerno ng Pilipinas ukol sa fossil fuels. Kinakailangang kumilos at manawagan tayo na magdeklara ng climate emergency ang pambansang pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at maging bahagi ng pandaigdigang solusyon sa krisis sa klima. Kailangan nating ipaglaban ang pagpapatigil ng fossil fuel generation plant na nagpapalala ng klima at paglulunsad ng malawak na pagpapatupad ng renewable energy sa bansa. Ipinapanawagan din natin ang pagpapatigil sa lahat ng mga proyektong sumisira sa kalikasan at nagpapahina sa kakayahan ng ating bansa sa epekto ng pagbabago ng klima.

Ngunit ang panawagan para sa climate emergency ay hindi maisasagawa kung walang pagkilos at laban mula sa mga mamamayan, lalo na ng mga bulnerableng komunidad na nasa frontline ng pagbabago sa klima. Ang laban natin ay huwag lumampas sa 1.5 degrees Celsius ang init ng planetang Earth upang tayong mga tao ay manatiling buhay at maging ang mga hayop at halamang sumusustento sa ating kabuhayan ay patuloy na mabuhay rin. Dalawang bagay para sa mga mamamayan: hintayin na lamang ang dilubyo ng kamatayan o lumaban para sa kaligtasan?

Para sa gobyerno: pakinggan ang sinasabi ng mamamayan at syensiya na kumilos para sa climate emergency o harapin ang delubyong dala ng klima at ang galit ng mamamayang nagnanais ng pagbabago ng sistema?

PLANETANG NAGKAKALINGA SA BUHAY, IPAGLABAN!
IDEKLARA ANG CLIMATE EMERGENCY, NGAYON!
HUSTISYANG PANGKLIMA, NGAYON NA!
PAGBABAGO NG SISTEMA, HINDI SA KLIMA!

Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ)

Huwebes, Abril 20, 2023

#WagGas: Salin ng Batangas Declaration

Ang sumusunod na pahayag ay malayang isinalin mula sa wikang Ingles ng manunulat na si Gregorio V. Bituin Jr. bilang bahagi ng kampanya upang mas maunawaan pa ng sambayanan ang isyu,


Sa paglulunsad ng #WagGas noong Abril 20, 2023, binasa ni Bishop Alminaza, isa sa anim na tagapagsalita, ang sumusunod na pahayag:

#WagGas

DEKLARASYON SA BATANGAS: NAGKAKAISANG TINDIG LABAN SA PAGPAPALAWAK NG FOSSIL GAS SA PILIPINAS
Para sa Sustenableng Kinabukasan at 100% Renewable Energy para sa Lahat

KAMI, mga delegado ng Pambansang Pagtitipon ng mga Pamayanang Apektado  Fossil Gas at mga grupong sumusuporta, na kumakatawan sa mga pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao; mga samahang masa at mga organisasyong di-pampamahalaan, mangingisda, kilusang sibiko at pangkapaligiran, mga organisasyon at institusyong nakabatay sa pananampalataya, mga grupo ng manggagawa, mga mamimili, kababaihan, at kabataan ay nagpapahayag:

SAPAGKAT ang Pilipinas ay isang bansang pinagkalooban ng masaganang yaman na higit pa sa kakayahang palakasin ang isang sustenableng kinabukasan habang nagbibigay ng kabuhayang kailangan ng ating mamamayan.

SAPAGKAT sa kanyang unang State of the Nation Address, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyang-priyoridad ang pag-unlad na salungat sa agos at gitna sa agos (upstream at midstream development) ng natural gas bilang pansamantala sa pagbuo ng mga renewable - batay sa maling akala na ito ay isang malinis na mapagkukunan ng enerhiya. Ang natural na gas ay isang fossil fuel na hindi gaanong salarin sa krisis sa klima kaysa sa karbon o langis. Pangunahin itong binubuo at naglalabas ng methane sa bawat yugto ng value chain nito, at naglalabas ng iba pang mga greenhouse gases sa kapinsalaan ng ating mga pandaigdigang sistema sa klima.

SAPAGKAT kung titingnan sa higit sa 10- hanggang 20-taon na sukat ng panahon, ang methane at iba pang panandaliang greenhouse gas ay nakakaimpluwensya sa pag-init ng mundo kahit sindami ng carbon dioxide. Upang mapanatili ang higit pang sakuna sa pagbabago ng klima, walang mga bagong bukid ng gas, kung saan inaasahang mas maraming natural na gas ang makukuha mula sa sahig ng dagat, ay dapat maaprubahan para sa pagpapaunlad lampas ng 2021. Walang puwang para sa mga kompromiso sa pagkilos ng klima, sa katunayan, at batay sa sulating  Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Pope Francis: "Ang problema ay pinalala ng isang modelo ng pag-unlad batay sa masinsinang paggamit ng fossil fuels, na nasa puso ng pandaigdigang sistema ng enerhiya." "Alam namin na ang teknolohiyang nakabatay sa paggamit ng lubhang nakakaruming fossil fuel... ay kailangang unti-unting palitan nang walang pagkaantala."

SAPAGKAT ang renewable energy ay naging mas mabubuhay at mapagkumpetensya-sa-gastusin sa mga nakalipas na taon, na nagiging abot-kaya ngunit sustenableng enerhiya na mas abot-kaya ng bawat Pilipinong sambahayan; Ngayon, samakatuwid:

NAGKAKAISA KAMI sa likod ng pag-unawa na ang fossil gas ay nagsasapanganib sa kapakanan ng mga pamayanan, ating kapaligiran, at ating lipunan, at ngayon ay nagpapakita ng ating pagkakaisa sa paglaban sa pagpapalawak nito.

TINUTULIGSA NAMIN ang malawakang pagpapalawak ng natural gas sa bansa, na labag sa kapakanan ng Pilipinas bilang megadiverse (o malawakang samutsari) ngunit isang bansang bulnerable sa klima. Mula sa kasalukuyang 3.4 GW na kapasidad ng gas sa pipeline ay bumulusok sa 37.95 GW mula sa 34 na bagong proyekto, na may 11 bagong liquified natural gas (LNG) na mga terminal ng pag-import ay ginagawa na.

DINIRINIG NAMIN ang pandaigdigang panawagang magkaisa upang labanan ang umiiral na banta ng pagbabago ng klima at para sa pag-alis ng mga materyales at proseso na nag-uudyok sa pagtaas ng temperatura sa daigdig, na pangunahin sa mga ito ay ang paggamit ng mga fossil fuel - ito man ay coal o gas - sa pag-generate ng kuryente.

HINIHILING NAMIN na ang Pamahalaan ng Pilipinas, kasama ang Pangulo, Kongreso, at Kagawaran ng Enerhiya na siyang may pananagutan, na ihinto ang pagsisikap nitong palawakin ang ating pagiging palaasa sa gas at sa halip ay trabahuhin ang malawakang paglalagay ng mga enerhiyang renewable.

NANAWAGAN KAMI para sa proteksyon ng aming mga baybayin at ekosistemang pandagat kung saan nakasalalay ang buhay at kabuhayan ng mga pamayanan. Ang mga plantang pinagagana ng gas at mga terminal ng LNG ay inilagay sa tabi ng ating mga karagatan, laot at malalaking anyong tubig upang gamitin para sa kanilang sistema ng pagpapalamig, o upang makatanggap ng mga inangkat na LNG mula sa mga tanker. Ang sedimentasyon at siltasyon na nagreresulta mula sa paghahawan ng lupa, ang hindi maibabalik na pinsala sa mga tahanang dagat na dulot ng paghawan at reklamasyon ng bakawan, ang pagpakawala ng mas maiinit na tubig na ginagamit para sa paglamig ng mga pinatatakbong gas-fired power plant ay ilan lamang sa mga banta, na dulot ng industriya ng fossil gas sa ating pinahahalagahang ekolohiyang pandagat. Pitong mungkahing proyektong fossil gas at walong LNG terminal ang ilalagay sa Batangas, na bahagi ng Verde Island Passage (VIP). Ang VIP ang sentro ng mga sentro ng saribuhay sa karagatan at baybaying isda sa mundo at tinuturing bilang Amazon of the Oceans. Nababahala kami na ang mga gas site sa buong bansa ay sumasalamin sa pinsalang naganap sa VIP. Ang panliligalig, panlilinlang, at panggigipit na kinakaharap ng mga pamayanan, na kadalasang nakukulayan ng mga maling pagtitiyak ng pag-unlad at pagsulong, ay mga katotohanan ding hindi maaaring balewalain. Nagdurusa na sa mga hamon sa klima at pang-ekonomiya, ang industriya ng gas ay nakadagdag pa sa mga pasanin ng mga pamayanang nakaharap sa laban.

HINIHILING NAMIN ang pagpapahinto sa mga proyektong fossil gas na iminungkahi sa Batangas at sa iba pang lugar sa bansa, na nagdudulot ng polusyon at ng pagkasira sa mga lugar na kinalalagyan ng mga ito. Sa isang kamakailang pag-aaral, halimbawa, ang naglalantad sa katotohanang ilang mga pollutant ay umabot na sa hindi ligtas na mga antas sa tubig ng isang nahawahan na ng fossil gas na bahagi ng Verde Island Passage, ngunit walang malinaw na patakarang umiiral upang protektahan ang VIP mula sa karagdagang kontaminasyon. Ang mga awtoridad na responsable sa pangangalaga sa kapaligiran at mga taong umaasa rito para sa kanilang pamumuhay at pinagkukunan ng kabuhayan, pangunahin sa mga ito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga local government units (LGUs), ay dapat magpatupad ng pinakamahigpit na pamantayan sa pangangalaga sa integridad ng Sangnilikha, na may malinaw na pagtutuos at pag-uulat hinggil sa kalusugan ng masaganang kalikasan.

HINIHIMOK NAMIN ang Department of Energy (DoE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na protektahan ang mga konsyumer mula sa mga hindi makatarungang presyo ng kuryente na resulta ng mga paghihigpit sa Malampaya Gas Field at mamahaling naangkat na mga alternatibong fuel, at itigil na ang paglalako na ang LNG ang solusyon sa problema sa kuryente. Ang digmaang Russia-Ukraine ay nagdulot din ng bagong pagtaas ng presyo ng gas. Ang mga pinatatakbong plantang nagsusunog ng lokal na gas ay patuloy na naniningil sa mga konsyumer ng pabagu-bago at mahal na presyo, salamat sa mga probisyon ng pass-on. Sa gitna ng mga kabiguang ito, ang fossil gas at lahat ng fossil fuel ay kulang din sa pangako ng pagkakaloob ng maaasahan at madaling kamting enerhiya, dahil ang iba't ibang pamayanan sa buong Pilipinas ay patuloy na dumaranas pa rin ng pagkawala ng kuryente o kawalan ng kuryente. Samantala, ang ating masaganang kakayahang renewable ay nagpapatunay na may kakayahang matugunan ang mga pangangailangan habang iniingatan ang ating mga baybayin at karagatan mula sa pagkasira. Ang kamakailang Green Energy Auction Program ay nagbunga ng mas mababa sa 4 Php/kWh na presyo para sa solar. Ang mga renewable ay mas madaling maitayo, na ang mga proyekto ay papasok nang mas mabilis kaysa panahong kinakailangan upang makagawa ng isang planta ng kuryente.

HINIHIMOK NAMIN ang lahat ng Pilipino na magkaisa para sa isang sustenable't pinatatag na kinabukasan at labanan ang fossil gas, na nagbabanta sa paglihis sa mga pangako sa klima ng bansa. Ang mga taon ng walang humpay at nagkakaisang pagkilos laban sa coal ay dapat magpaalala at magbigay ng inspirasyon sa atin na kahit ang isang napakalaking industriya ay maaaring bumagsak laban sa kolektibong kapangyarihan ng sambayanan.

NANAWAGAN KAMI sa lahat ng mamamayan sa Timog-silangang Asya na nahaharap sa matinding pagpapalawak ng mga proyekto ng fossil gas na magkaisang tumindig upang wakasan na ang paggamit ng fossil fuel. Tulad ng laban sa anti-coal, ang oposisyon laban sa gas ay isang tunggaliang isinasagawa ng lampas pa sa Pilipinas.

HININILING NAMIN sa Pambansang Pamahalaan na tuparin ang pinakaambisyosong layuning makamit ang 100% renewable energy mix sa lalong madaling panahon, na kinikilala na ang mga renewable lamang ang siyang tunay na nag-aalok ng malinis, abot-kaya, at madaling makuhang enerhiya para sa mamamayan.

HUWAG PAYAGAN ANG FOSSIL GAS SA ATING MGA BAYBAYIN!

Nilagdaan nitong ika-25 araw ng Agosto 2022 sa Capuchin Retreat Center, Lungsod ng Lipa, Pilipinas

Statement on the public launching of #WagGas

(Binigyan natin ng espasyo sa ating blog ang sumusunod na pahayag na binasa sa launching ng grupong #WagGas upang mas marami pa ang makabasa at makaunawa sa napakahalagang isyu na ito. Maraming salamat po. - Greg Bituin Jr.)


During the launching of #WagGas on April 20, 2023, Bishop Alminaza, one of the six speakers, read the following statement in front of the media and environmental organizations who attended:

#WagGas

BATANGAS DECLARATION: A UNITED STAND AGAINST FOSSIL GAS EXPANSION IN THE PHILIPPINES
For a Sustainable Future and 100% Renewable Energy for All

WE, delegates of the National Gathering of Fossil Gas-Affected Communities and support groups, representing communities in Luzon, Visayas and Mindanao; people's and non-governmental organizations, fisherfolk, civic and environmental movements, faith-based organizations and institutions, labor groups, consumers, women, and youth hereby declare:

WHEREAS the Philippines is a country endowed with bountiful resources that are more than capable of powering a sustainable future while providing sustenance needed by our people.

WHEREAS in his first State of the Nation Address, President Bongbong Marcos ordered the prioritization of upstream and midstream development of natural gas as interim in the development of renewables - premised on the misconception that it is a clean energy source. Natural gas is a fossil fuel  that is no less a culprit to the climate crisis than coal or oil. It is mainly composed of and emits methane in every stage of its value chain, and releases other greenhouse gases to the detriment of our global climate systems.

WHEREAS if viewed in over 10- to 20-year time scales, methane and other short-lived greenhouse gases influence global warming at least as much as carbon dioxide. To keep more catastrophic climate change at bay, no new gas fields, where more natural gas is expected to be extracted from the sea bed, must be approved for development beyond 2021. There is no room for compromises in climate action, indeed, and as His Holiness Pope Francis writes in Laudato Si: "the problem is aggravated by a model of development based on the intensive use of fossil fuels, which is at the heart of the worldwide energy system." "We know that technology based on the use of highly polluting fossil fuels... needs to be progressively replaced without delay."

WHEREAS renewable energy has become increasingly viable and cost-competitive in recent years, turning affordable yet sustainable energy much more within reach of every Filipino household; Now, therefore:

WE UNITE behind the understanding that fossil gas places the well-being of communities, our environment, and our society in peril, and now show our solidarity in resisting its expansion.

WE DECRY the massive expansion of natural gas in the country, which goes against the Philippines' best interests as a megadiverse yet a climate-vulnerable nation. From the existing 3.4 GW gas capacity in the pipeline booms to 37.95 GW from 34 new projects, with 11 new liquified natural gas (LNG) import terminals in the works.

WE HEED the global call to unite in the battle against the existential threat of climate change and for the phase out of materials and processes that trigger rising global temperatures, foremost of which are the use of fossil fuels - be it coal or gas - in power generation.

WE DEMAND that the Philippine Government, with the President, Congress, and Department of Energy at the helm, halt its efforts to expand our dependence on gas and work instead for massive deployment of renewable energy.

WE CALL for the protection of our coasts and marine ecosystems on which communities' lives and livelihoods depend. Gas-fired plants and LNG terminals are places beside our oceans, seas and large bodies of water to use for their cooling system, or to receive imported LNG from tankers. Sedimentation and siltation resulting from land clearing, the irreversible damage to marine habitats caused by mangrove clearing and reclamation, the discharge of warmer waters used for the cooling of the operating gas-fired power plants are but some of the threats that the fossil gas industry poses to our valued marine ecologies. Seven proposed fossil gas projects and eight LNG terminals will be sited in Batangas, which is part of the Verde Island Passage (VIP). VIP is the center of the center of the world's marine shorefish biodiversity and touted as the Amazon of the Oceans. We are concerned that gas sites across the country mirror the devastation wreaked along the VIP. Harassment, deception, and pressures faced by communities, often colored by false assurances of progress and development, are also realities that cannot be ignored. Already suffering from climate and economic challenges, the gas industry adds on the burdens shouldered by frontline communities.

WE DEMAND for a halt to fossil gas projects proposed in Batangas and elsewhere in the country, which trigger pollution and cause destruction in sites hosting them. A recent study, for example, exposes the reality that several pollutants have reached unsafe levels in the waters of a fossil gas-exposed portion of the Verde Island Passage, yet no clear policy exists to protect VIP from further contamination. Authorities responsible for safeguarding the environment and people dependent on it for their living and sustenance, foremost of which is the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and local government units (LGUs), must implement the strictest standards in preserving the integrity of Creation, with clear accounting and reporting on the health of the bounty of nature.

WE URGE for the Department of Energy (DoE) and Energy Regulatory Commission (ERC) to protect consumers from unconscionable power rates resulting from Malampaya Gas Field restrictions and expensive imported alternative fuels, and to stop peddling LNG as a solution to power woes. The Russia-Ukraine war has also triggered new highs in gas prices. Operating plants burning local gas continue to charge consumers with volatile and expensive rates thanks to pass-on provisions. Amid theses failings, fossil gas and all fossil fuels also fall short in the promise of providing reliable and accessible energy, as various communities across the Philippines also continue to be plagued by outages or lack of electrification. Meanwhile, our abundant renewable potential proves capable of meeting needs while sparing our coasts and oceans from degradation. The recent Green Energy Auction Program yielded as low as less than 4 Php/kWh price for solar. Renewables are also more readily deployable, with projects coming into operation quicker than the time it takes to construct a gas power plant.

WE URGE all Filipinos to unite for a sustainably powered future and fight fossil gas, which is threatening a detour in the country's climate commitments. The years of relentless and unified resistance against coal should remind and inspire us that even a mammoth industry can topple against the collective power of the people.

WE CALL on all Southeast Asian peoples confronted with the massive expansion of fossil gas projects to stand in solidarity in ending fossil fuels. Much like the anti-coal fight, the opposition against gas is a battle waged beyond the Philippines.

WE DEMAND for the National Government to take on the most ambitious goal of achieving 100% renewable energy mix most urgently, recognizing that only renewables can genuinely offer clean, affordable, and accessible energy for the people.

KEEP FOSSIL GAS OFF OUR COASTS!

Signed this 25th day of August at the Capuchin Retreat Center, Lipa City, Philippines

Martes, Marso 7, 2023

Alasuwas

ALASUWAS

nararamdaman na natin ang alasuwas
pagkat panahon ay di na maaliwalas
pabago-bago ang klima, di na parehas
ng dati, ramdam mo talagang nababanas

pinapawisan nga tayo sa sobrang init
ngunit grabe ang pawis, tayo'y nanlalagkit
tapos ay biglang uulan ng anong lupit
baha na sa lansangan ay biglang iinit

di ka makatulog pagkat klima na'y grabe
lalo't nadama ang alasuwas kagabi
sa nagbabagong klima'y ating masasabi
dapat manawagan ng climate emergency

pagkat di na karaniwan ang ganyang klima
biglang iinit, biglang uulan, ano na?
tayong naririto'y may magagawa pa ba?
klima'y nangangailangan din ng hustisya

coal at fossil fuel ang sanhing lumilitaw
kaya climate emergency na'y lumilinaw
di sapat ang sumigaw ng "Climate Justice Now!"
dapat na tayong magkaisa't magsigalaw

- gregoriovbituinjr.
03.07.2023

alasuwas - (1) napakainit na panahon; (2) bagay na maalinsangan, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 30

Sabado, Pebrero 25, 2023

Salamat sa suporta


TAOS PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG MGA SUMUPORTA SA AMING MAHABANG LAKAD PARA SA INANG KALIKASAN AT KATUTUBONG PAMAYANAN!

Gregorio V. Bituin Jr.
- participant, Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam, February 15-23, 2023, from Gen. Nakar, Quezon to MalacaƱang
- convenor, Human Rights Walk, from CHR to Mendiola, December 10 of 2016, 2017, 2018, and 2019
- participant, Martsa ng Magsasaka mula Sariaya, Quezon hanggang Maynila, April 12-21, 2016
- participant, French leg ng People's Pilgrimage  from Rome to Paris, November 7 - December 14, 2015
- participant, Climate Walk from Luneta to Tacloban, October 2 - November 8, 2014
- participant, Lakad Laban sa Laiban Dam, November 4-12, 2009

Huwebes, Enero 19, 2023

Libo-libong hakbang man

LIBO-LIBONG HAKBANG MAN

kailangan ko bang lakarin ang sanlibong hakbang
upang umani ng kaing ng manggang manibalang
upang marating ang bundok at tagtuyot na parang
upang di maligaw sa pasikot-sikot na ilang

kahit libo-libong hakbang pa'y aking lalakarin
limampunglibo, sandaang libo, sang-angaw man din
kung tungong tagumpay ng nakasalang na usapin
kung iyan ang paraan upang kamtin ang mithiin

upang malutas lang ang mga sigalot at sigwa
lalakarin milyong hakbang man na may paniwala
mananaig tayo sa kabila ng dusa't luha
ang daan man patungo roon ay kasumpa-sumpa

- gregoriovbituinjr.
01.19.2023