Paunang Salita
CLIMATE JUSTICE NOW
Hindi
pa tapos ang paglalakad, kahit tapos na ang aktibidad ng Climate Walk
na nagsimula sa Luneta (Kilometer Zero) hanggang Tacloban (Ground Zero)
mula Oktubre 2 hanggang Nobyembre 8, 2014. Hindi pa tapos ang paglalakad
dahil kailangan pang magpatuloy, dahil kailangan pang manawagan ng
hustisyang pangklima sa lahat, dahil marami pang dapat gawin. Ang
Climate Walk ay panimula pa lamang. Marami pang mithiin, marami pang
dapat gawin, marami pang dapat imulat sa kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan, sa panawagang mitigasyon at adaptasyon, sa panawagang
malawakang magbawas na ng dapog o emisyon ang mga malalaking bansa, lalo
na yaong nabibilang sa Annex 1 countries, sa panawagang pagkakaisa.
Bilang opisyal na kinatawan ng grupong Sanlakas at ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa mahabang Climate Walk, ang aklat na ito’y naglalaman ng dalawang sanaysay at 82 tula. Ang bawat araw na pag-uulat ng inyong lingkod, pati na rin ang sari-sariling palagay ng makata, sa kasagsagan ng Climate Walk, ay inakda sa anyong patula bilang munting ambag sa panitikan at sa patuloy na pagmumulat at pagkilos para sa panawagang Climate Justice.
Nawa’y inyong manamnam ang tamis at pait ng mga danas at pakikibaka para sa hustisyang pangklima.
Taos-puso ko po itong inihahandog sa inyo, at nawa, pagkatapos ninyong basahin ang mga akda ay patuloy tayong kumilos upang makamit ng sambayanan at ng iba pang mamamayan sa daigdig ang inaasam na hustisya, pagkat may pag-asa pa kung kikilos tayong lahat ng kolektibo at sama-sama. Dahil bawat hakbang ng pagkilos ay mahalaga.
Maraming salamat. Mabuhay kayo!
GREGORIO V. BITUIN JR.
Disyembre 9, 2014
Sampaloc, Maynila

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento