Linggo, Marso 8, 2015

Multiple Intelligence Award, iginawad sa Climate Walk

Multiple Intelligence Award, iginawad sa Climate Walk
Ulat ni Greg Bituin Jr.

Ang CLIMATE WALK ang isa sa walong ginawaran ng Multiple Intelligence Awards sa nakaraang 6th MI Awards sa UP Diliman noong Marso 8, 2015.

Ginawaran ng Bodily Kinesthetics Intelligence Award ang mga kasapi ng Climate Walk sa pangunguna ni Commissioner Naderev "Yeb" SaƱo ng Philippine Climate Change Commission.

Nagsimula noong 2005, ang Multiple Intelligence Awards ay nang naghahanap ng mga indibidwal na kinilala sa kanilang kakaibang ginagawa ngunit nakakapagbigay inspirasyon sa iba. Isinasagawa ang paggawad na ito isang beses sa loob ng dalawang taon (biennial). Kinilala na rin ang gawad na ito sa ilang mga pang-internasyunal na publikasyon, ang "Multiple Intelligences: New Horizons" (Basic Books 2006) at ang "Multiple Intelligences Around the World" (Jossey Bass, 2009).

Ang walong ginawaran ng Multiple Intelligence Awards ay ang mga sumusunod:

Maria A. Ressa - Linguistic Intelligence Award

Reese Fernandez-Ruiz - Logical-Mathematical Intelligence Award

Paulo G. Alcazaren - Spatial Intelligence Award

Sen. Pia Cayetano - Interpersonal Intelligence Award

Noel Cabangon - Musical Intelligence Award

Dr. Josette T. Biyo - Naturalist Intelligence Award

Climate Walk - Bodily Kinesthetic Intelligence Award

Jay Ortuoste Jaboneta - Interpersonal Intelligence Award



(mga litrato mula sa facebook)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento