ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di lang dahil sa samahan kaya naglakad
sa Climate Walk kundi dahil doon ay ipinadpad
upang ibahagi rin ang buhay ko't palad
at sa pamamagitan ng tula'y maglahad
ng nangyayari sa lipunan, komunidad
sa bahay, si Ondoy ay kaytinding nanalasa
si Pedring ay sinalanta ang opisina
baha sa Sampaloc ay kinalakihan na
bahagi ba ng buhay ang pananalanta
di ba dapat isiping "Tama na! Sobra na!"
sa usaping kalikasan, ina ko'y guro
nuong ako bata't madalas marahuyo
sa anumang kalikutan at paglalaro
magdilig ng halaman ang unang tinuro
kalikasan animo'y dapat sinusuyo
hanggang isang araw kapatid ko'y nanganib
tatlong taon siya noon, wala pang isip
nahulog mula sa taas, buti't nasagip
ng punong gumamelang palagi kong dilig
salamat po, ina, sa pag-ibig mong tigib
kaya sa usaping kalikasan, asahan nyo
di man kasama si ina, nariyan ako
kaya sa Climate Walk, nakiisang totoo
di lamang opisyal, personal ding lakad ito
bilang pasasalamat kay ina't sa mundo
- sinimulan sa liwasan ng St. Joseph Academy at Bamboo Organ Church sa Las PiƱas, Oktubre 2, 2014, kaarawan ko ang umpisa ng lakad, tinapos sa Muntinlupa Sports Center
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento