PAHINGA DIN, PAMINSAN-MINSAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig bawat taludtod
kailangan ding magpahinga
para sa ating resistensya
kalusugan at mga paa
ay dapat ding inaalala
katawan man ay patang-pata
at sa pawis ay basang-basa
ang mga ito'y balewala
para sa layuning dakila
naglakad mula sa Luneta
tungong Taclobang na-Yolanda
adhika'y pangklimang hustisya
sigaw ay hustisyang pangklima
- Brgy. Doña Aurora, Calauag, Quezon, Oktubre 13, 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento